~
labing isang oras na ang nakakaraan,
pumanaw na si eury katanghaliang tapat,
disyembre syete, alas onse kwarenta ng umaga,
kumplikasyon sa baga, wala ng nagawa…
~
buong buhay ko, hindi ko pa naranasan na mawalan
ng mahal sa buhay, hindi ko naranasan mawalan
ng isang malapit na kaibigan, ngayon lang,
masakit pala ang mawalan, masakit pala ang maiwan…
~
buong buhay ko hindi ko isinaiisip na lilisan si eury,
lilisan ng ganito kaaga, 30 pa lang sya,
lilisan dahil sa isang walang kwentang kadahilanan,
sinakksak sya ng isang estranghero sa general
santos
mga 4 na linggo na ang nakakaraan…
~
parang kailan lang, nag pa-dinner kami ni eury noong
marso 2005 para sa sabay na pagdiriwang namin ng
aming kaarawan, dumating ang marami sa tropa,
masaya ang lahat sa gilligan’s, masaya kami ni eury…
~
hunyo 2004, nagtreat si ate fe, nasa hong kong
kami ng tropa, pasyal dito pasyal doon,
kain dito kain doon, shopping dito shopping doon,
masaya kaming lahat, masaya rin si eury…
~
sa tuwing magpupunta kami sa basilica,
pagbibigyan niya ako at kakantahin ang
paborito kong request na ‘hanggang’ ni wency,
at susundan ng paborito nyang ‘the promise’ ni martin
masaya kami ni eury…
~
sa malate pag tumatambay sa bj’s grill,
sya ang aking laging kasama sa pagkain
ng paborito naming adsilog, at syang tagasaway
sa aking madalas na pag order ng crispy tenga
‘kala ko ba nagrereduce ka’ sabi nya,
masayang kasama si eury…
~
dito sa blogs ko, sya ang madalas magkomento,
sa mga sinusulat ko, sya ang madalas magbigay
ng salungat na reaksyon, sa buhay ko sa
mga panahong nagiging negative ako, sya ang
laging nagbibigay ng positibong payo kung paano
harapin ang buhay ko, pag dumadating ang panahon
na nawawala ang tiwala ko sa mga tao sa paligid ko,
sya ang bumabatok sa akin upang patatagin ko ang
aking paniniwala sa kanila… mabait si eury
~
si eury ang angel sa buhay ko, taga-gabay
sa madidilim na landas na aking madalas tahakin,
tagadamay sa panahong malungkot at nag-iisa ako,
kasalo sa sangkaterbang bote red horse sa kasagsagan
ng kasiyahan sa
new york
café… masaya kami ni eury
~
noong lingo nung dumalaw kami sa st. claire hospital
sa
makati
, natutulog sya nung dumating kami,
bawal pa daw magsalita dahil baka magkakabag,
tinulungan naming syang bumangon sa
kama
ng
mga alas 5:30ng hapon para maglakad, nakangiti sya
nung makita nya ako, at sinamahan naming syang
maglakad sa hallway ng ospital…
~
ang huling alaala ko kay eury, nakatayo sya sa harap
ng imahen ni mama mary, sa hallway ng st claire
dun sya dumiretso nung lumabas sya ng kwarto,
karay karay sa tulong ng kapatid nya ang mga linya
ng naso-gastric tube, dextrose at iba pa, taimtim na
nagdadasal sa harap ng imahen ng nakatayo, matapos
yun ay nagpaalam na kami, matamlay sya pero nakangiti,
naghihirap pero positibo, nangangamba pero umaasa…
masayahin si eury, malakas ang tiwala sa diyos…
~
nung nagtext ako sa kanya last week, sabi ko ‘hang on
and rest well, gagaling ka na’ sagot nya ay ito
‘i am, with
ur
prayers and god’s grace. ingat lagi. J’
yun ang huling text na natanggap ko sa kanya…
~
sabi ko noon, kung may mga tao sa mundong kaya
kong ipagkatiwala ang buhay ko, isa si eury doon,
tatlo lang sila nina dard at kris, ngayon dalawa na lang sila,
ganun kaimportante si eury sa buhay ko,
ganun ang halaga nya sa akin,
isang kaibigang di matatawaran,
isang dakilang tao,
ganyan si eury sa buhay ko…
~
mamimiss ko ang mga emosyonal na kanta ni eury…
mamimiss ko ang mga seryoso naming usapan tungkol
sa mga buhay buhay naming…
mamimiss ko ang mga kagat nya sa balikat ko pag
nagkukulitan kami sa malate…
mamimiss ko ang mga text nya ng tagalog tuwing
lunes ng umaga…
mamimiss ko ang mga pangaral nya sa akin…
mamimiss ko si eury…
mahal kita eury…
kailanmay di kita malilimutan…
salamat sa magagandang alaala…
~
sa nakaraang dalawang pasko, siya ang aking kasama
sa quiapo para mamili ng pangrelago sa mga inaanak
at mga pamangkin namin, lagi kaming di magkamayaw
na suungin ang sankaterbang mamimili sa quiapo para
lang makapamili ng mura…
ang saya saya namin ni eury tuwing ganito….
~
sa isang lingo ang schedule naming mamili, tulad ng
kinagawian, naghihintay ang mga tindera sa quiapo,
andun na naman ang mga nakikipagsiksikang mamimili,
may budget na rin akong itinabi para doon…
~
pero wala na si eury…
wala na akong kasama…
paano na ang pasko…
~